Wednesday, April 19, 2006

Phonepal

Kung nalulungkot ka
At ikaw ay walang magawa
Subukan mo lang na ako'y tawagan
Kaagad-agad na ika'y pupuntahan

Kahit anong gusto mo
Ibibigay ko sa'yo
Magtiwala ka lang ako ang bahala
Sa isang sandali'y pasasayahin ka

Laging handa para ika'y tulungan
Hinding-hindi ka pababayaan
Tawagan mo lang kung iyong kailangan
Ang problema mo'y siguradong maiibsan

La lang

Walang pumapasok sa isip ko
Na pwedeng mailagay dito
Ang ulo ko'y sumasakit na
Wala pa ring maisip para sa aking tula

Kaya ako'y saglit na nagpahinga
Sa langit ako'y tumingala
Pinagmasdan muna ang mga tala
Sa kanilang pagkislap ako'y natuwa

Sinubukan ko ding umidlip
Pero biglang pumasok sa aking isip
Ngayon ko lang napansin
Ang tula'y tapos ko nang gawin

Monday, April 10, 2006

Realization

I never thought i'd find
What I was looking for behind
Never even thought
That you were the one i sought

You've always been there to comfort me
Made me feel happy
You've help me over and over again
But to me you're just a friend

But I learned today
That i need you each passing day
I learned never to let you go
Because I love you so

Waiting for an angel

Waiting for the angel
to rescue me from this hell
the one whose gonna wipe away my tears
the one who'll help me conquer my fears

maybe in time i'll find her
i hope it's sooner and not later
but even if it takes forever
i'll still wait for her

Time

Time is valuable to every being
Even a second could make a big difference

In a second a baby could be born
In a second someone could die
In a second something could be created
In a second something could be destroyed
In a second a team could win or lose a game
In a second someone could say "I love you"
In a second someone could hurt another person

Our lifeTIME is short and we must make the most out of it.
Don't waste even a second and make the best out of your time

Tuesday, April 04, 2006

Kelan

nababagot at natutulala
sa bahay ay walang magawa
walang man lang maisip
para mapawi ang inip

ngunit bigla nalang nawala
ang lumbay nung ika'y makita
ang lungkot ay nawala sa isang iglap
para na akong naglalakad sa ulap

makita lang ang iyong mukha
ako'y masaya na
kelan ka kaya uli makikita
sana bukas na

wag na lang

bakit ko pa kasi pinilit
lalo lang tuloy lumala ang sakit
alam ko namang wala akong pag-asa
bakit pa kasi umasa pa

hindi ko na ipipilit ang sarili
alam kong wala rin namang mangyayari
lalayo na lang para di masaktan
iiwas na lang at itatago ang nararamdaman

alam kong kahit na maghintay pa
wala rin namang magagawa
kaya mabuti pang
wag na lang

Monday, April 03, 2006

Mabuti at Masama

Paano ba masasabi ng tao na ang isang bagay na ginawa nya o ng ibang tao ay mabuti o masama? Pano nga ba hinuhusgahan ang mabuti at masama? Sino nga ba ang tunay na nakakaalam ng mabuti at masama?

Ang pananaw natin sa kung ano ang mabuti at masama ay naapektuhan ng mga tao sa paligid natin. Naapektuhan ng lipunan ang perspektibo natin sa kung ano ang mabuti at masama. Tulad nga ng sinabi ng isang taong di ko kilala, kanya-kanyang opinyon o pananaw lang yan. Walang nakakaalam ng kung ano ang tunay na tama at mali. Malay ba natin na ang mga sinasabi nating tama ay mali pala at ang mga sinasabi nating masama. Tulad ng natype ko na, kanya-kanyang pananaw lang naman yan.