Monday, March 13, 2006

Kailan pa

Para sa mga mahiyain
(ex. Ako)
Naging inspirasyon ang kanta ng Parokya ni Edgar sa paggawa nito

Kailan pa kaya magagawa?
Na masabi sayo ang nadarama
Kailan mo kaya mamamalayan?
Na ako sayo'y tinamaan

Kapag nakikita ka
Nakadarama ng kakaibang saya
Araw-araw ay hinahanap ka
Ngunit 'pag katabi na ay tumatahimik na

Laging hinihiling
Na sana ika'y makapiling
Ngunit wala namang magawa
Para magkatotoo na

Minsan nung tayong dalawa lang ang magkasama
Naisip kong ito na ang tsansa
Ngunit nung ika'y hinarap ko na
Biglang napipi at di makapagsalita

Sinayang lang ang pagkakataon
Tinangay na ng mga alon
Sana'y noon pa man nasabi na
Para wala nang problema

Kailan pa kaya maipapakita sayo?
Ang nilalaman ng puso ko
Kailan pa kaya sinta?
Sana'y malapit na

0 Comments:

Post a Comment

<< Home