Saturday, March 04, 2006

Sana

Walang nakakaramdam sakin
Hindi nila napapansin
Sinasadya ba nilang maging manhid
O talagang hindi lang nila mabatid

Ang hirap na aking nararamdaman
Sa tuwing ako'y kanilang nasasaktan
Kailangan daw ganito at ganyan
Hindi naman ako si Superman na kayang gawin lahat ng iyan

Alam kong mahal nila ako
Pero minsan para silang bato
na walang kamalay-malay
Sa pinagdadaanan ko sa aking buhay

Sana naman kanilang maintindihan
Ang nadarama ng aking puso't isipan
Para mawala ang aking problema
Para naman ako'y maging masaya

0 Comments:

Post a Comment

<< Home